Nang dahil sa tutchang... ♥
Sabado, Setyembre 6 | 1 comments

48 Hours: #9

"Hi guys, good morning!" masayang bati ni Tally sa mga classmates n'ya 'pag pasok ng room. Halatang-halata sa mukha n'ya na napakaganda ng mood n'ya. "Today is my today!" sabi ni Tally. Nagtaka naman yung mga girlfriends n'ya na nakasalampak sa sahig habang nagpupulbos, tumitingin sa salamin, nagmemake-up, atbp. Hindi na nila kinorek pa ang wrong grammar ni Tally dahil baka masira ang magandang mood n'ya. Ayon daw kasi sa Candy Magazine eh lucky day n'ya ngayon. (Imbento ko lang 'yon.) Sinabi ni Rhea na hindi naman daw totoo 'yun. Pero hindi nagpaapekto si Tally. Naniniwala talaga s'ya lucky day n'ya. Yung color ng headband n'ya ay lucky color n'ya -- yellow.

Pumunta si Tally sa section 4A at chineck kung nasa school na si Jake. Hindi kasi sila nagkasabay ngayon dahil may inutos ang mama ni Jake at baka ma-late s'ya ng konti sa school. Pero wala pa si Jake. Nag-alala na si Tally. Tinatawagan n'ya ito sa pink G-masked N76 cellphone n'ya. Pero hindi sumasagot si Jake. Tinadtad n'ya ng message pero walang reply. Hanggang sa nag-ring ang bell at wala ng choice si Tally kung hindi pumasok sa room nila. Lucky.

Nakahinga s'yang muli ng makita n'ya si Jake through the transparent mirror sa pinto. Hawak n'ya ang isang bond paper na may nakasulat na "I'm okay. :)" Napangiti si Tally at napansin ito ng teacher n'ya. "Natalie Jane Santos! What are you laughing at?" tanong ng teacher n'ya na may mahigit 40 na kunot sa noo. 20-20 ang vision ni Tally kaya nakita n'ya ang tutchang ni Mrs. Maebax. Kaya naman sumabog sa tawa si Tally. "Get out of this room, now." sabi ni Mrs. Maebax. Wala ng choice si Tally kaya lumabas ito ng room (habang tumatawa). Lucky. 'Pag labas ni Tally ng room, sinabi ni Jake na hintayin daw s'ya. Pumasok si Jake sa room nila. Wala pang isang minuto ay lumabas na s'ya at tinabihan si Tally na nakaupo sa bench sa may sulok ng corridor.

Tally: "Anong ginawa mo?"
Jake: "Pagpasok ko kasi, tinanong ni Ma'am Cruz kung saan daw ako galing."
Tally: "Tapos?"
Jake: "Lumapit ako sa kanya at ibinulong ko at tinanong kung pwede bang bumalik sa CR dahil pakiramdam ko ay may Part 2."
Tally: "Part 2?"
Jake: "Part 2."
Tally: "Ahhhhh!!!"
*both laughs*

Mga etiketa:



LuvSt0ry
Pamagat: 48 hours
Tauhan: Tally. Jake. Rhea.
*to be updated*

ang nakaraan..
Kamakailan:
Jake and the dumbs
Sundutin mo, baby!
Anong ulus?
Manday daw oh!
Birthday Ni Tita
"Love na love ko si Jake."
For how many times I told you I love you?
Sila na nga ba?

Buwanan:
Agosto 2008 & Setyembre 2008 & Hulyo 2009 &

sabskrayb

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner


atbp
SPEEDCOUNTER.NET - free counter!

Clicky Web Analytics