It's a lucky day after all.. ♥
48 Hours: #12Nang matapos silang kumain (at magbayad ng bill), tinanong ni Xavier kung saan gustong pumunta ni Tally. "Movies?" Umiling si Tally. "Home?" Napatingin bigla si Tally kay Xavier. Natakot si Xavier at sa loob-loob n'ya eh paulit-ulit n'yang sinasabi ang salitang "'Wag." 'Wag. 'Wag. 'Wag. (repeat till tired). Pero umiling ulit si Tally. Nakahinga ulit ng maluwag si Xavier. Tally grabbed his hands at hinila papuntang... skating rink! Bwahaha. Pumunta sila sa booth at nagbayad... then nag-rent ng locker at ng skating shoes. Nang tumuntong sila sa skating rink, pareho pala silang hindi marunong. Magkahawak sila ng kamay (*Hawak Kamay by Yeng Constantino playing*) while skating kaya naman 'pag bumagsak yung isa eh bagsak silang dalawa. Hindi na sila nahiya sa mga tao sa paligid nila. Marami pa naman epal na nanonood sa labas ng rink (at nakikitawa din pag may bumabagsak). Kala mo'y mga palaboy na nagwiwish na kahit isang beses ay ma-try nila magskate. Matapos ang isang oras, pareho silang pagod - kakabagsak. Siguro puro pasa na yung mga puwet nila kaya naman naisipan na nilang tumigil. Nagpahinga lang sila ng kaunti at pagkatapos ay pumunta na sila sa parking lot dahil naroon ang Cadillac ni Xavier. "Sayo 'to?" tanong ni Tally na parang di makapaniwala. Pero kitang-kita na kumikislap yung mga mata n'ya. Lumakas ang ihip ng hangin.. "Oo. Regalo ng parents ko 5 months ago, for my 18th birthday." sagot ni Xavier. Tuwang-tuwa si Tally dahil medyo matagal na s'yang hindi nakakasakay sa isang Cadillac. Yung huling beses ay noong hinatid pauwi s'ya ng tito n'ya galing binyag ng apo ng isa pang tito n'ya.
'Pag dating sa tapat ng bahay, huminto ang kotse, lumabas si Xavier at binuksan ang pinto para kay Tally. "Xavier, thanks ha. It's you who made my day lucky." kinikilig na sabi ni Tally. "No problem," sagot ni Xavier, "So see you on?..." "The day after tomorrow. Sa Sat." mabilis na sagot ni Tally. "Alright, bye, Tal." "Bye."
*both smiles and waves goodbye*'Pag alis ng kotse, napapangiti si Tally at kinikilig-kilig. Ito daw ang pinaka memorable date n'ya. Pag tapos ng 10 seconds na pagngiti at pagkakilig, pumasok na ito sa bahay n'ya.
Hindi n'ya napansin na napanuod ni Jake ang malapelikulang eksena... :(
Mga etiketa: 48 Hours