Sila na nga ba? ♥
Biyernes, Agosto 22 | 2 comments

48 Hours: #1

"20, 19, 18... 6, 5, 4, 3, 2.." Nagbibilang si Tally sa isip n'ya habang naka-pangalungbaba. *kriiiiiiing* Napa-"oh yeah!" siya pagkatunog na pagkatunog ng bell. Agad-agad n'yang kinuha yung pink bag n'ya na cellphone at iPod touch lang ang laman. Pati pala yung most valuable item n'ya -- kikay kit. Kahit isang ballpen o notebook wala. Araw-araw, bago pa man s'ya pumasok sa eskwelahan, uwian na kaagad ang nasa isip n'ya. Pero kung akala mo eh tatanga-tanga si Tally eh, nagkakamali ka. Kasi napakatanga n'ya. Kung 30 sila sa klase, 'wag ka magtataka kung pang-tatlumpu ang rank n'ya.
"Bye Natalie!" sabi ng isang 'taga-hangang' classmate. Kinikilig. Kala mo'y napakalayo ni Tally sa kanya eh magkaharap lang sila. Kung ako si Natalie, babatukan ko s'ya, sabay pingot. Langya! Parang may megaphone sa ngala-ngala. Daig pa MMDA! Not to mention, ang hininga nya, parang kakakain lang ng 50 cloves of garlic!
"Oh, bye! You're so kulit ha. Sabi ko sa'yo Tally na lang tawag mo sakin eh! Mas-cute pakinggan." nakangiting sagot ni Tally gamit ang matining n'yang boses.
"Sige ha, mauna na ko." Lumabas ng classroom si Natalie. Habang naglalakad, biglang umabot hanggang tenga ang ngiti n'ya ng makita si...
"Jaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaake!" masayang tawag ni Tally, sabay yakap sa kanya. "Na-miss kita!"
"Na-miss? Eh kasabay mo ako pag pasok," inis na sagot ni Jake.
"Anong nangyari sa mukha mo? Para kang espasol. Saka pwede ba? Kung makadikit ka daig mo pa linta. Baka sugurin ako ng mga fans mo. Tapos a-"
"Eto naman! Masyadong high blood! Bakit badtrip ka? Usually naman pag nagpapacute ako, tuwang-tuwa ka. Saka yayakapin mo din ako with open arms!" Mukhang crumpled paper ang si Jake sa sobrang inis.
"Hmm.. alam ko na! Basted ka kay Anna 'no?" tanong ni Tally.
"Ako? Basted? Haha! Anong akala mo sakin? *biglang nag-rap* Hello, Tally, are you out of your mind? I'm J-A-K-E, I'm one of a kind!" S'yempre, papatalo ba si Tally?
"No, Jake, I'm absolutely okay. I bet, all-in, you're heartbroken today!" In-examine ng mabuti ni Tally ang acne-free na mukha ni Jake at biglang tumawa,
"Hahahahaha!" "Hahahahaha!.... ha," tawa naman ni Jake.
"Haha, ahihihihi!" Kapag nakita mo silang ganito, 'wag ka ng mag-abala sa pagtatanong kung anong pinagtatawanan nila dahil sila lang dalawa ang makakaintindi at makakaalam. At dahil kawawa naman si Jake...
"Jake, okay lang yan. Nandito pa naman ako lagi eh. If all else fails, di mo na ko kailangan ligawan, ngayon palang sinasagot na kita. Love you Jake!"
"Love you too, Tally.."

At doon nagsimula ang lahat. Sila na.

Wish ko lang. Pero joke 'yon. Haha. Haha! Katawa 'no?

Inakbayan ni Jake si Tally at sinabi,
"Thanks Tal! Ganito na lang.. para sumaya ako, libre mo na lang akong ice cream!"
"Eh pamasahe na lang natin natitira eh..." mabilis na sagot ni Tallie na parang 100 pesos ang isang cone ng ice cream.
"Ulus! Kuripot. Ako kaya nagbabayad ng pamasahe natin!"
"Ah...ako ba!?"
"Ako! Sabi ko ako!"
"Ako nga..." *binatukan ni Mark si Tally*

Mga etiketa:



LuvSt0ry
Pamagat: 48 hours
Tauhan: Tally. Jake. Rhea.
*to be updated*

ang nakaraan..
Kamakailan:

Buwanan:
Agosto 2008 & Setyembre 2008 & Hulyo 2009 &

sabskrayb

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner


atbp
SPEEDCOUNTER.NET - free counter!

Clicky Web Analytics