Anong ulus? ♥
48 Hours: #6Habang ginagawa ni Jake ang homeworks ni Tally, sa kabilang banda... daldalan ulit! Ito ay nang matapos uminom ng tubig si Tally at lumuwag na ang dibdib n'ya.
Tally: "Ang yabang talaga nung lalaking yun! Peste talaga!"
Rhea: "Bakit ano'ng nangyari?"
Tally: "Hay nako.. eh kasi naman... [insert long story here.]"
Rhea: "Hahaha! Maski ako matatawa eh."
Tally: "Kung si Jake 'yon, tatawa din pero tutulungan n'ya ako. Hmp. Peste talaga. Pag nakita ko s'ya ulit hindi ko na alam."
......
Tally: "Haha.. siguro pag balik ko samin tapos na yung homeworks na pinasagutan ko kay Jake."
Rhea: "Kawawa naman, ginawa mong alipin."
Tally: "Alipin? Hindi. Minsan ako naman gumagawa ng mga homeworks n'ya noh."
Rhea: "Pero alam mo, napansin ko today puro ka Jake. Jake, Jake, Jake."
Tally: "Oh? Gano'n ba? Ang dami mo kasing lalaking pwedeng ichika. Eh si Jake lang ang meron ako."
Rhea: "Ano ka, ang dami kayang nanliligaw sa'yo. Mapili ka kasi."
Tally: "Eh.. gano'n talaga."
*grins**ding dong*Laking gulat na lang ni Tally ng biglang pumasok sa pinto ang isang guy. Matangkad. Chinito. Papable. Yummy. S'ya yung tawa ng tawa kanina nang matapilok si Tally.
Tally: "Oh? Ikaw yung tumatawa kanina ah? Ang kapal mo din eh noh, hanggang dito sinusundan mo ko? Para ano? Para pagtawanan ako? Tss.. stalker ka ba?"
Rhea: "Xavier! Ba't andito ka? Si Tally pala, classmate ko. Tally si Xavier, pinsan ko."
Xavier: "Hi Tally. You looked awesome kanina ha. Nice to meet you."
Tally: "Nice to meet you, nice to meet you. It's NOT nice to meet you!"
Xavier:
*smiles* "Sungit... Ah Rhea, pinapakuha ni ate yung stethoscope, kailangan n'ya na daw bukas."
Rhea: "Oh, eto oh. Upo ka kaya muna. Gusto mong juice?"
Xavier: "Ah, no, thanks. May pupuntahan pa ako eh. Thanks couz. Bye Tally."
*waves to Tally*Pag sara ng pinto...
Tally: "Hay nako! Nakalimutan ko na nga panandali yung nangyari kanina tapos eto pinaalala n'yang mayabang mong pinsan! Nakakairita pa, ang arte magsalita, feeling may American access."
Rhea: "Shungak. Baka American accent."
Tally: "Yun nga sabi ko."
Rhea: "Hehe. Hayup ka Tal, nabingwit mo pinsan ko!"
Tally: "Ha? Ano s'ya? Isda?"
Rhea: "Haha. Pero 'di nga, promise. Sure ako, type ka n'on. Bagay naman kayo ah. Saka di ba sabi mo gusto mo ng mga chinito?"
Tally: "Oo nga, pero kung s'ya.. no, thanks! S'ya na yung pinakamayabang na nilalang na nakilala ko!"
*Leona Lewis' Bleeding Love message tone playing*Rhea: "Oh, nagtext s'ya! Number mo daw. Bigay ko ha?"
Tally: "Ulus!"
Rhea: "Ulus? Anong ulus?"
Tally: "Ulus.. uhm, hindi ko din alam eh. Imbento kasi si Jake."
(Basta tungkol kay Jake, nakakalimutan n'ya ang lahat!)
Rhea: "Ah.. eh paano n'yo nalalaman kung kelan sasabihin yun?"
Tally: "Ewan.. basta alam namin."
Rhea: "Nabigay ko na."
Tally: "Nooooooooooooooooooooooooooooo!"
A tip from the writer: hindi ko talaga alam ibig sabihin ng ulus. Pero ang katumbas nito ay "ulul" o kaya "mukha mo!"Mga etiketa: 48 Hours