Birthday Ni Tita ♥
48 Hours: #4Iniba na lamang ni Tally ang usapan at sinabing hindi na s'ya magtatagal. Kailangan n'ya ng umuwi at may "appointment" pa s'ya. Hindi nila namalayang ang oras dahil sa kadaldalan nila. Isang oras makalipas ay umalis na si Tally papuntang SM at bumili ng Red Ribbon cake. Chocolate Mousse. Favorite n'ya kasi. Parang s'ya may birthday eh noh?
*ding dong* Nagdoorbell si Tally pero hindi n'ya naman talaga kailangang gawin 'yon kaya pumasok na lang s'ya basta-basta. "Hi po tita, happy birthday!" simple but from the heart na greeting ni Tally habang hawak n'ya ang cake. "Thank you Tally, halika at kumain ka na dito. Medyo gutom na kasi kami akala namin matatagalan ka pa." Umupo si Tally sa tabi ni Jake.
Habang kumakain sila, s'yempre kulitan na naman. Na-O.P. si mother. Kaya naki-epal s'ya.. "Bakit 'di n'yo try maging magboyfriend? Tingin ko kasi bagay na bagay kayo." Nagkatinginan lang sina Tally at Jake. Sabay bungisngis! "Si mama/tita talaga oh." Nagkasabay pa sila ng sagot. S'yempre tawa ulit. "Binigay mo na?" sabi ni Tally na punong-puno ng kanin ang bibig. "Hindi pa." sagot ni Jake. "Bigay mo na kaya!" (With matching kanin na nagtatalsikan.) Binigay na nila ang regalo nila para kay mother. Tuwang-tuwa at kumikislap ang mga mata n'ya ng makita n'yang Guess ito. "Salamat." sambit n'ya.
*beso-beso*Pagkatapos kumain eh nagkaraoke sila. Kinanta ni Jake yung 'I'll Never Go' ni Erik Santos. "Wala ka na bang ibang alam na kanta? Lagi na lang yan." sabi ni Tally. "Para sayo kaya yun! Sige iba naman..." "Pakantahin mo naman si Tally, sugapa ka sa mike eh!" pag-interrupt ni mother. "Ay, tita, ayoko po," mabilis na sagot ni Tally, "hindi po ako marunong kumanta." "Sige na, birthday ni mama!" Kitang-kita ang sungay ni Jake. Sa loob-loob n'ya ay tumatawa s'ya ng evil laugh. Napakanta tuloy ng wala sa oras si Tally. "Ocean Deep ha. Favorite ko yun." request ni mother. Sa kalagitnaan ng kanta eh biglang nagbrown-out. "Haha! Pati Meralco ayaw kang pakantahin." asar ni Jake. "Gusto ko bang kumanta? Sinabi ko na ngang di ako marunong kumanta eh. Alam mo yun pero binlackmail mo ko. Ginamit mo pa si tita. Yabang nito eh noh." "Chill," sabi ni Jake. "Dito ka muna hanggang magka-kuryente. Takot ka pa naman sa dilim, mag-isa ka lang sa bahay n'yo."
Nakatulog si Tally sa sofa kaya binuhat s'ya ni Jake at dinala sa kwarto at ihiniga sa kama. Wala s'yang masamang balak, okay? Sa paghihintay sa kuryente eh nakatulog din si Jake sa study table n'ya.
Mga etiketa: 48 Hours