Jake and the dumbs ♥
48 Hours: #8"Pare, ang ganda talaga niya noh?" sabi ng isang kabarkada ni Jake. "Sino?" tanong naman ng isa pa. "Hulaan nyo," sabi ni Kabarkada #1. "Matangkad, mahaba ang buhok, maputi, maganda, mabait, sobrang friendly, fashionista." "Si Che? Si Janelle? Ang dami-dami eh." hula ni Kabarkada #2. "Oo nga." sumabat si Kabarkada #3. Bumanat ulit si Kabarkada #1, "Ito yung pinaka-clue: napansin ko kapag kumakain s'ya ng ice cream na nasa apa eh hindi n'ya kinakain yung pinakadulo." "Definitely, Tally," sagot ni Jake. "bobo din nito eh noh. Pahula-hula ka pa. Alam mo namang best friend ko si Tal since birth. Gusto mo lakad kita?" Umayaw naman yung kabarkada. Baka daw kasi mabasted s'ya. Mabreak pa yung record na never s'ya nabasted. Paano yung mga nililigawan eh... uhm... [insert adjective here] na babae.
Nagtataka yung mga kabarkada n'ya kung bakit hindi daw ligawan ni Jake si Tally. Eh pareho naman silang single. Bagay na bagay pa sila sa isa't-isa. Tumatawa lang si Jake at sinabing hanggang friends lang talaga sila. Marami ang nagsasuggest na maging lovers sila pero tinatawanan lang nila lagi. Kagaya ng scene nila Rhea at Tally, tinanong ni Kabarkada #3 na kahit once naisip ba ni Jake na maging sila ni Tally? sa ganda ni Tally hindi ba s'ya na-inlove? at kung hindi ba sila magbestfriend ngayon eh liligawan ba n'ya si Tally? Napa-wow si Jake at feeling n'ya nasa Showbiz Central s'ya at ini-interview ni Raymond Gutierrez. (Halatang Kapuso ako. Bwahaha...)
Ito ang mga sagot ni Jake, respectively.
1. "Oo naman, pero gaya ng sabi ko, hanggang friends lang talaga."
2. "Mahal na mahal ko si Tally. Period."
3. "Hindi. Period ulit."
Hindi naniwala ang mga kabarkada n'ya sa sagot n'ya sa question #3. Lalo na't ang sagot n'ya sa question #2 ay ang answer #2. Nagtataka din sila kung bakit gano'n ang sagot n'ya sa question #1. Hindi ba ang gulo? Kung gaano kayo nalito sa huling tatlong... (Sinearch ko itong word na ito sa isang online English-Tagalog dictionary.) ...pangungusap, gano'n din ka-complicated ang situation nina Jake at Tally. At dahil si Jake lang ang matalino sa barkada eh hindi na nila inungkat pa dahil wala din naman silang maiintindihan. Mapapagod lang sila sa kakaisip.
Mga etiketa: 48 Hours