"Love na love ko si Jake." ♥
Sabado, Agosto 23 | 2 comments

48 Hours: #3

Routine nina Tally at Jake ang mag-jogging sa Luneta tuwing Sabado ng umaga. Nagracing ulit sila s'yempre: talo si Jake kaya libre n'ya ang breakfast. "Haha! Talo ka na naman, Jake! Tapsi sakin, dalawang meal ha!" pang-asar ni Tally. Para namang nakakapikon. Akala n'ya siguro five years old ang kasama n'ya na magsusumbong sa nanay n'ya dahil inaasar s'ya ng kalaro n'ya. Patalikod na naglalakad si Tally habang nang-aasar kaya naman *doog!* bumangga s'ya sa isang poste, na-out of balance at bumagsak sa sahig. (Ayan, nang-aaway kasi eh!)

Tally: "Aahh!!!"
Jake: "Oh! Ayan kasi hindi nag-iingat!" (Agad n'yang nilapitan si Tally.)
Tally: "Ako na nga nasaktan eh noh!"
Jake: "Mag-iingat ka kasi!"
Tally: "Ba't di mo sinabing may poste?"
Jake: "Eh akala ko alam mo eh!"
Tally: "Alam ko nga, pero di ko alam na andyan na! Ang sakeeet.."
Jake: "Pag-uwi natin lagyan mo ng yelo."

Kumain muna sila sa malapit na tapsilogan at tila walang nangyari kay Tally. Enjoy na enjoy s'ya sa kinakain n'ya. Kwentuhan. Kulitan. Sa isang cup ng rice, mga 3/4 lang ang nakain nila. Paano eh tawanan ng tawanan.. paulan ng kanin. Nagtitinginan na ang mga tao sa kanila, wala padin silang pakialam. *Tawa. Tawa. Tawa.* Lumapit tuloy yung tindera. Galit na galit. "Nandito kayo para kumain at hindi para tumawa ng tumawa at mambulabog ng mga customer. Kung gusto n'yong tumawa pumunta kayo sa Klownz o sa Zirkoh! Alangya!" Ngumiti lang sa isa't-isa sina Tally at Jake. Meron talaga silang sariling mundo. Gusto kong makisali! Ikaw ba?

Hinatid ni Jake si Tally sa bahay ng friend n'yang si Rhea. "Birthday ni mama ha. 'Wag mo kalimutan." paalala ni Jake, "Ingat." "Opo. Alam ko po. Alam ko. Dadaan ako sa Red Ribbon bago umuwi. Bye na!" Mabilis na pumasok si Tally sa bahay ng kaibigan at hindi nabigyan ng pagkakataong magba-bye si Jake.

(Habang nanonood ng 'You Don't Mess With Zohan', mula sa kawalan, natanong ni Rhea..)
Rhea: "Kayo ba?"
Tally: "Ni Jake? Haha. Hindi noh!"
Rhea: "Tingin mo maniniwala ako?"
Tally: "Oo. Dahil hindi naman talaga kami."
Rhea: "Eh ano kayo?"
Tally: "Hmm.. ewan. Magkapatid? Best friends?"
Rhea: "Okay!? Pero sinasabi ko sa'yo mamimisinterpret ng mga tao 'yang relasyon n'yo."
Tally: "Paanong mamimisinterpret? Alam nila, lahat sila, na since birth eh magkaibigan na kami."
Rhea: "Lahat?"
Tally: "Duh. Common sense naman."
Rhea: "Pero.. curious lang ako ha.. may mga times ba na naisip mo na maging kayo? Sa sweet n'yang 'yon eh hindi ka ba nai-inlove sa kanya? Alam mong marami-raming babae ang gustong maging ikaw. Lalo na dahil may Jake ka."
Tally: "Ano? Ang dami mo ng tanong, ang bilis mo pa magsalita. Alam mo naman na 50MB ang memory ko. Milliseconds lang, deleted na. Ano ulit? Ah, 'yon! Oo naman, naisip ko 'yun. Pero ayoko. Baka 'pag naging kami eh masira pa yung precious friendship namin. Inlove? Love na love ko si Jake. Pero hindi yung love-love, you know? Minsan nga gusto kong layuan na lang si Jake. Kahit di n'ya sabihin, alam ko dahil sa akin kaya lagi s'yang basted."
Rhea: "Dahil sa'yo?"

Mga etiketa:



LuvSt0ry
Pamagat: 48 hours
Tauhan: Tally. Jake. Rhea.
*to be updated*

ang nakaraan..
Kamakailan:
For how many times I told you I love you?
Sila na nga ba?

Buwanan:
Agosto 2008 & Setyembre 2008 & Hulyo 2009 &

sabskrayb

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner


atbp
SPEEDCOUNTER.NET - free counter!

Clicky Web Analytics