Sundutin mo, baby! ♥
Biyernes, Agosto 29 | 0 comments

48 Hours: #7

Nanonood ng Pinoy Idol si Tally habang pumapapak ng Milo. Napapakanta pa ito habang kumakanta si Penelope ng One Step At A Time ni Jordin Sparks. Medyo napapasayaw-sayaw pa. Tapos biglang, "Ay putcha!" bumulaga si Jake. "Nakakagulat ka naman! Magsabi ka naman kung papasok ka!" galit na sigaw ni Tally. "Sorry! Haha. Dito muna ako ha, boring sa bahay eh." sabi ni Jake. Nagshopping kasi yung mama n'ya. Eh hindi pa naman s'ya sanay ng mag-isa. "Gusto mong Milo?" alok ni Tally. "Ahhhh!" ngumanga si Jake na parang baby. Sinubuan s'ya ng 1 spoonful Milo. Ang sweet nila. Daig pa nila mag-asawa.

"Jake, sali ka kaya sa Pinoy Idol?" pabirong suggestion ni Tally. Kung tutuusin may point naman si Tally. Maganda talaga ang boses ni Jake. Pero tumawa lang si Jake ng bwahahahaha. Nagdahilan ito na baka pag sumikat s'ya eh mawalan s'ya ng time para sa pinakamamahal n'yang best friend. Na-touch naman itong si Tally at sumang-ayon na 'wag na ngang sumali. Uto-uto.

Maya-maya pa ay pumunta si Jake sa kwarto at inaya si Tally sa loob. Matagal na nilang gustong gawin ito. Pero hindi sila nabigyan ng pagkakataon. Natuwa si Tally at humiga agad. "Matagal ko ng di nagagawa 'to sa'yo ah! Nakaka-miss." sambit ni Jake. Umoo naman si Tally. Napapasigaw pa s'ya ng "Ah!" habang sinusundot-sundot ni Jake yung... tenga n'ya. Oo, nililinis ni Jake ang tenga ni Tally. May nasundot pa nga s'yang gold eh. Tapos vice versa naman. Puro gold din yung tenga ni Jake. Sayang. Kung pwede lang isangla, worth 5000 pesos sana. Aww.

Pagkatapos nilang magsundutan (ng tenga) bumalik sandali si Jake sa bahay at kinuha ang mga libro at notebook na sinagutan n'ya. Nag-thank you si Tally at kiniss s'ya sa pisngi. At dahil mabait si Jake, sinabi ni Tally na gagawin n'ya ang tatlong bagay na gustong ipagawa ni Jake sa kanya. "Talaga," nagdududang tanong ni Jake. "Promise?" "Oo nga, promise. Tatlo lang ha. Kaya pag-isipan mo mabuti. Okay?" sabi naman ni Tally na mukhang seryoso talaga.

Mga etiketa:



LuvSt0ry
Pamagat: 48 hours
Tauhan: Tally. Jake. Rhea.
*to be updated*

ang nakaraan..
Kamakailan:
Anong ulus?
Manday daw oh!
Birthday Ni Tita
"Love na love ko si Jake."
For how many times I told you I love you?
Sila na nga ba?

Buwanan:
Agosto 2008 & Setyembre 2008 & Hulyo 2009 &

sabskrayb

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner


atbp
SPEEDCOUNTER.NET - free counter!

Clicky Web Analytics