For how many times I told you I love you? ♥
Sabado, Agosto 23 | 1 comments

48 Hours: #2

*Britney Spears' Do Something messagetone playing*
1 message received.
From: Jakey
"Tal, free k b bkas? my pnpbli si mama sa sm e..."

*Tootoot.... Tootoot!*
1 message received.
From: aaa Mah Tally
"My d8 ak bkas ee. s0rry. luvy0u!"

*Britney Spears' Do Something messagetone playing*
1 message received.
From: Jakey
"N nmn? ngtka p q eh n0h.. wag mkpal make up ha! kturn off yun. g0odluck tal! luvu2."

Humiga si Jake sa malambot n'yang kama at napaisip kung sino ba ang pwede n'yang isama. Ayaw n'ya kasi mag-isa. (Pwedeng rap, nagrhyme sila!) Baka sabihin daw ng tao wala s'yang friend. Nag-GM s'ya kung sino may gusto pero wala namang nagreply. Busy lahat sa sarili nilang mga buhay. (Saka konti na lang naka-unli, 30 a day na eh.) Hanggang sa nakatulog na s'ya kakahintay... naiwan pa n'yang bukas ang ilaw sa kwarto n'ya.
Kaya naman kinabukasan, mag-isa lang pumunta si Jake sa SM. As usual, dumaan muna s'ya sa American Blvd. May nakita s'yang jacket at agad n'yang sinukat.
"Sir, available po s'ya in different colors. Saka detachable yung hood n'ya." Para kay Jake ay pamilyar ang boses na 'yon. Pagharap niya eh bumungad sa mga mata n'ya ang pagmumukha ni Tally.

Tally: "AmBou boy!"
Jake: "Oh! Ba't andito ka? Dito date mo?"
Tally: "Mm."
Jake: "Weh? Di nga?"
Tally: "Joke lang. *habang kinurot-kurot ang pisngi ni Jake* Kelan ba kita tinanggihan? Ha?"
Jake: "Eh sabi mo kasi m-"
Tally: *sigh* "Tara na nga!"

Habang naglalakad eh napapangiti si Jake.
"Oh? Anong nginingiti-ngiti mo d'yan?" mataray na tanong ni Tally.
"Wala lang," sagot ni Jake. "ang totoo eh alam ko naman na pupunta ka eh." No reaction si Tally pero deep inside eh tuwang-tuwa s'ya.
"Stop!" biglang sigaw ni Jake. Pati yung mga kasabay at kasalubong nila na naglalakad napahinto. Hinawakan niya si Tally sa braso, tumayo sa harap n'ya at niyakap.
"Thanks Tal, you're the best! Love you!" Napapangiti si Tally habang ini-enjoy ang shoulder ni Jake. Matapos ng malapelikulang eksena ay tumungo na sila sa watch section.
"Mahilig si Tita sa relo. Sure ako magugustuhan n'ya 'to. What you think?" Pinagift-wrap nila yung Guess watch at nagbayad na sila sa cashier. Nag-share sila sa bayad. 60-40. As usual, mas malaki ang ibinayad ni Jake.

Umuwi sila sakay ng FX. On the way, nakatulog si Tally. Umakbay si Jake at nilagay ang ulo ni Tally sa balikat n'ya. Dalawampung minuto makalipas, dumating na sila sa kanila. Basang-basa ang polo ni Jake, sa parteng balikat, bakit kaya? Bago pumasok ng bahay, nagpasalamat muli si Jake at sinabing "Check your bag." Sinong mag-aakala na 'yon ang kanyang last words? Napaka-meaningful. Nakaka-inspire. Quotable quote. Nahagip s'ya ng isang rumaragasang sasakyan. Oo, joke lang 'to. Coincidentally, sabay silang pumasok sa sarili nilang mga kwarto. Bagsak agad sa kama si Jake at hindi na n'ya naisip maghilamos at magtoothbrush. Habang nasa Dreamland na siya, matapos maglagay ng eye cream ay excited na binuksan ni Tally ang bag n'ya. Laking tuwa na lang nito ng makakita s'ya ng CD na Hello Kitty at agad nitong isinuksok sa player (na Hello Kitty din).

*ehe ehem* "This song is for my Tally." *Jake singing I'll Never Go by Erik Santos: You always ask me / Those words i say / And telling me what it means to me / Every single day / You always act this way / For how many times i told you / I love you / For this is all i know / Come to me and hold me / And you will see / The love i give / For you still hold the key / Every single day / You always act this way / For how many times i told you / I love you / For this is all i know / I'll never go far away from you / Even the sky will tell you / That i need you so / For this is all i know / I'll never go far away from you..*
"Thanks ulit. Good night, Tal."

Mga etiketa:



LuvSt0ry
Pamagat: 48 hours
Tauhan: Tally. Jake. Rhea.
*to be updated*

ang nakaraan..
Kamakailan:
Sila na nga ba?

Buwanan:
Agosto 2008 & Setyembre 2008 & Hulyo 2009 &

sabskrayb

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner


atbp
SPEEDCOUNTER.NET - free counter!

Clicky Web Analytics