Manday daw oh! ♥
48 Hours: #5Kinabukasan nagising si Jake na wala na sa kama n'ya si Tally. Magpapanic na sana s'ya pero nakakita s'ya ang blue box with blue ribbon sa ibabaw ng tokador. Inuna n'yang buksan ang regalo kesa hanapin si Tally. Nagmadali s'yang buksan ito at nakakita s'ya ng note:

"Tss! Gift? Ulus! M-A-N-D.. bobita talaga! M-O-N-D-A-Y, monday! Kala mo gagawin ko 'to? Ulus!" Ayaw man gawin ni Jake eh wala s'yang magawa. Hindi n'ya matanggihan si Tally. "Sabagay.. pag mga project na kelangan ng creativity eh ikaw naman ang gumagawa. Sige na nga." palusot n'ya.
Naglalakad si Tally ilang kanto malapit sa bahay ni Rhea .Neon pink ang kulay ng tunic top n'ya. Tapos green na skinny jeans. Saka white na Stiletto heels. Samahan mo pa ng oversize vintage sunglasses. Kala mong nasa fashion show. Parang naglalakad sa catwalk. Ayan tuloy, natapilok. Na-stuck pa yung takong n'ya. Buti na lang walang nakatingin. 'Yon ang akala n'ya. Ang totoo eh merong isang guy na nakatingin sa kanya. Tumatawa. Parang gusto ni Tally na mag-transform into langgam at hintaying may makatapak sa kanya. Inis na inis si Tally. Tinanggal niya ang sapatos sa pagkakastuck at kinuha ang isang maliit na bato, at inihagis doon sa lalaki -- sabay takbo.
Hindi naman s'ya hinabol nung lalaki. Nagpakapagod lang s'ya. Hingal na hingal s'ya nang dumating s'ya sa bahay ni Rhea. Itinanong ni Rhea kung bakit ito tumakbo ngunit hindi makasagot si Tally. Sumenyas s'ya na parang umiinom. "Ay ano 'to? Charade? Ahh.. Kumanta ka, tapos dahil ang pangit ng boses mo eh hinabol ka ng taumbayan?" napakatangang sagot ni Rhea. Totoo yung kasabihan na 'tell me who your friends are and I'll tell you who you are' at 'birds of the same feather flock together'. "Tu.....tu.. big..." naghihinalong sagot ni Tally. "Ahh tubig! Jusme naman! Pinahirapan pa ko." Agad s'yang kumuha ng tubig sa kusina at ibinigay kay Tally bago pa man s'ya tuluyang maubusan ng hininga.
Mga etiketa: 48 Hours